Sinadya talaga naming mag-lay low nang kaunti sa paglalabas ng statement kaugnay ng mga 'stranded' upang bigyan ng puwang ang anumang hakbang na ninais gawin ni Consul General Ezzedin Tago. Ang pagpipigil naming iyon ay batay na rin kahilingan ng mga 'stranded'.
Ang totoo, bilang indibidwal (dahil hindi iyon ang konsensus ng Migrante KSA), gusto kong magtiwala kay Consul General Ezzedin Tago. Una, dahil kaa-appoint pa lang nya at naniniwala akong kailangan talaga ng bagong dugo sa hanay ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah. Ikalawa, dahil inaamin kong natugunan naman nya ang mga nauna naming mga request para sa pagpapauwi kina Laura 'Aya' Torres (aka Starlight Lara, Nora Torino) at Noralyn Mamasalagat.
Nagagalit diumano si ConGen Tago sa Migrante KSA dahil sa mga pahayag na katulad nito:
"We believe it is the height of callousness to ask them to go through the same process that forced them to camp out under the bridge in the first place," Ociones adds.
"Migrante urges immediate repatriation of stranded Filipinos in Jeddah."
(Migrante Saudi Arabia News Release dated 03 February 2008) At saka dito:
Carlos Rebutar, Spokesperson for the group of some 88 'stranded' OFWs said today. “The black headbands signify the death of our families as the Philippine Consulate refuses to lift a finger to alleviate our plight.”Sabayan pa ito ng hirit ni DFA Undersecretary for Special Concerns Rafael Seguis na nagsabing:
"Stranded Filipinos starts wearing black headbands, reiterates appeal for repatriation."
(Migrante Saudi Arabia News Release dated 11 February 2008)
"We never do anything right for Migrante. They are all talk. Why don't they be the ones to talk to the Saudi Arabian government and help OFWs?"May mahaba kaming sagot sa pinagsasabi ni USec Seguis pero saka na iyon. Gusto ko lang idiin na magkakatono na sa koro ang mga tauhan ng Department of Foreign Affairs. Halimbawa, reaksyon diumano ni Vice Consul Jose Jacob Jr. noong magtali ng itim na tela ang mga 'stranded' bilang protesta na "maka-karma din kayo. Ginagamit nyo pa ang patay..."
Stranded OFWs must go through legal process - DFA
By Pia Lee-Brago
Philippine Star. February 9, 2008
Posted in http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=108545
Idagdag pa ang palaging pagpupumilit diumano ni Vice Consul Jacob kay Carlos Rebutar na amining sya'y kasapi ng Migrante. Hirit diumano ni Vice Consul Jacob kay Caloy noong mag-dialogue ang Konsulada at ang mga 'stranded': "Migrante ka ba? Kasi pareho kayo kung tumira."
Cliche' na kung tutuusin ang kasabihang 'kapag defensive, guilty'. Ngunit hindi ako naniniwala sa cliche na nabanggit dahil umaasa pa rin ako sa bukal na kabutihang loob ng bawat tao, laluna kay ConGen Tago na half-Pinoy, half-Egyptian pala.
Ngunit hindi ko babawiin ang nasabi na dahil malinaw at matatag ang aming tinutuntungan.
Higit sa lahat, ang mga pangyayari ang magpapatunay ng katotohanan.
No comments:
Post a Comment